Inaantabayanan ang personal na pagdalo ni Chinese President Xi Jinping sa opening ceremony ng 19th Asian Games sa Hangzhou.
Una nang inanunsyo ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying na interesado ang kanilang pangulo na masaksihan ang naturang kaganapan, bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang mga atleta at organizers, lalo;t sila ang venue ng naturang sporting event.
Magtatapos ang ASIAN sa Oktubre 8, 2023.
Maging ang mga Pinoy sa China ay excited na rin sa magiging laro ng ating mga kababayan.
Ilan sa mga larong hahakot ng medalya ay ang basketball events.
Narito ang ilan sa mga magiging laro ng ating mga kopunan:
Men’s 5-on-5 basketball
1:30 pm, September 26, Tuesday – Philippines vs Bahrain
11 am, September 28, Thursday – Philippines vs Thailand
5:30 pm, September 30, Saturday – Philippines vs Jordan
Women’s 5-on-5 basketball
5:30 pm, September 27, Wednesday – Philippines vs Kazakhstan
1:30 pm, September 29, Friday – Philippines vs Hong Kong
5:30 pm, October 1, Sunday – Philippines vs Japan
Men’s 3×3 basketball
1 pm, September 25, Monday – Philippines vs Jordan
5 pm, September 26, Tuesday – Philippines vs Chinese Taipei
4:20 pm, September 27, Wednesday – Philippines vs Hong Kong
4:20 pm, September 29, Friday – Philippines vs Mongolia
Women’s 3×3 basketball
7:25 pm, September 25, Monday – Philippines vs Jordan
3:30 pm, September 27, Wednesday – Philippines vs Hong Kong
1:50 pm, September 29, Friday – Philippines vs Mongolia