-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagdulot ng pagkaantala sa biyahe ng ilang pasahero dahil sa kawalan ng masakyang pampasaherong Bus sa integrated terminal complex Santiago City bunsod sa awtomatikong pagtigil sa pagbiyahe ng mga pampasaherong sasakyan dahil sa pagpapatupad ng Modified Enhance Community Quarantine( MECQ ) sa Tuguegarao City

Sa nakuhang impormasyong ng Bombo Radyo Cauayan, na point to point basis ang naging sistema ng transportasyon, apektado ang pagbiyahe ng mga pamapasaherong bus sa lalawigan ng isabela pangunahin na sa mga may special permit ng Santiago to Tuguegarao via Ilagan Route sa ilalim ng LTFRB.

Ikinabigla naman ito ng ilang pasahero na sumasakay sa integrated terminal complex dahil sa pangyayari ay napilitan ang ilang pasaherong umuwi na lamang o kaya ay ipagpaliban ang kanilang mga lakad habang ang ilang manggagawa ay hindi na nakapasok sa kanilang trabaho.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty Ma. Victoria Diego ng integrated terminal complex ng Santiago City, sinabi niya na huli na nang mapag-alaman ng kanyang tanggapan ang impormasyon patungkol sa pansamantalang tigil operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa Lunsod ng Tuguegarao.

Dahil sa ilang pangyayari ay huli na ang pagbato ng nasabing impormasyon at hindi na nila nagawa pang abisuhan ang mga pasahero dahil sa limitadong oras.

Ayon kay Atty. Diego para sa Santiago-Tuguegarao via Ilagan mayroon anyang kabuoang anim na biyahe sa umaga ang ITC subalit isa lamang ang bumabalik sa terminal.

Batay sa direktiba ng point to point system ng LTFRB tanging sa Cauayan City lamang mapapayagang makapagbiyahe.

Bilang hakbang para sa kapakanan ng mga pasahero Nakikipag-ugnayan anya ang kanilang tanggapan sa LTFRB para mapayagan ang mga nasabing operators na bumiyahe.

Sa kasalukuyan ay dalawa lamang na franchise bus ang bumibyahe patungo sa Santiago City na may rutang Santiago To Cauayan via San Mateo at Santiago to Cauayan via Echague.