-- Advertisements --

INDIANA, USA – Ipinagpaliban ni Judge Jane Magnus-Stinson ng Southern District of Indiana ang pagpapataw ng parusang bitay sa inmate na nagngangalang Daniel Lewis Lee.

Si Lee ay may kasong pagpatay at una sana sa hanay ng mga federal inmates na papatawan ng kamatayan, makalipas ang 17 taon na hindi nagpatupad nito.

Matatandaang si US President Donald Trump mismo ang may kagustuhang ibalik ang death penalty para sa mabibigat na krimen.

Pero ang pagpapaliban ng bitay kay Lee ay hindi dahil sa legal na proseso kundi bunsod ng COVID pandemic.

Nakiusap kasi ang pamilya ng convicted criminal na nais nilang masaksihan ang pagsasagawa ng lethal injection, ngunit hindi naman sila makabyahe dahil sa kumakalat na sakit. (CNN)