Inaasahang magbubukas ng bagong oportunidad at magbibigay-daan sa lalo pang pagtutulungan ng Pilipinas at Japan ang dalawang araw na pagbisita sa Pilipinas ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida, kasama ang kanyang talumpati sa joint session ng Kongreso sa Nobyembre 4, 2023.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pagdalaw ni Kishida at misis nitong si Yuko kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ay magsisilbing isang mahalagang yugto sa malakas na diplomatikong alyansa ng gobyerno ng Pilipinas at Japan.
Kumpiyansa naman si Speaker na sa mga gagawing pag uusap magkakaroon ng bagong collaboration at development at mga oportunidad para sa magandang bukas para sa mga Pilipino at maging sa Japan.
Nasa bansa si Japan Prime Minister Fumio Kishida para sa dalawang araw na official visit.
Nakatakda ding magbigay ng kaniyang mensahe si Kishida sa pagharap nito sa Congress of the Philippines sa isang Special Joint Session sa Sabado November 4,2023.
Inaasahan ni Speaker Romualdez na mapag-uusapan sa pagbisita ang maraming mahahalagang paksa na lalo pang magpapalakas sa alyansa ng dalawang bansa.
Bukod sa pagpapalakas ng alyansa ng dalawang bansa, sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagbisita ni Kishida ay makatutulong din sa pandaigdigang kapayapaan at pag-unlad.
Ang pagbisita ni Japan Prime Minister Kishida ay simbolo ng matagal ng ugnayan ng dalawang bansa.