Binigyang diin ni Pang Ferdinand Marcos Jr na nananatili pa rin ang plano ng pamahalaan na makabili ng mga submarine para sa Phil Navy.
Ayon kay Pang. Marcos, nagpapatuloy ang mga natatanggap ng pamahalaan na offer mula sa ibat ibang mga bansa para sa mga submarine, kung saan ilan sa mga opsyon ay ang domestic assembly, at construction ng naval assets.
Gayonpaman, kinakailangan aniya ng malawak pang mga pag-aaral dahil tiyak na hindi ito small commitment lamang.
Ayon sa pangulo, kasabay ng pagnanais na makabili ng submarine ay ang kakailanganing training para sa mga navy personnel, equipment na gagamitin, at ang operational requirements.
Sa kasalukuyan aniya, ang prioridad ng bansa ay ang pagdevelop ng mga anti-submarine assets. Ito umano ang nagsisilbing pokus ng Navy, hanggang sa kakayanin na ng bansa na makapag-produce ng sarili nitong submarine, sa tulong na rin ng ibang bansa.