-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Civil Service Commission na hindi sakop ng ahensiya ang panawagang resignation ni DILG Secretary Benhur Abalos sa mga police colonels and generals.

Paliwanag ni CSC Chairman Carlo Alexei Nograles ang mga full colonels and generals ay mga presidential appointees kaya hindi sila saklaw ng CSC at sa disciplinary jurisdiction.

Sinabi ni Nograles, “no comment” muna sila kaugnay sa nasabing isyu upang mapanatili ang anumang pagpapasiya hinggil sa isyu sa tamang forum.

Una ng ipinanawagan ni Department of Interior and Local Government Secretary sa mga full colonels and generals na sangkot umano sa illegal drugs ay magbitiw bilang bahagi ng kanilang internal cleansing.

Naniniwala kasi si Abalos na nasabing pamamaraan ay tuluyan malinis ang hanay ng PNP ng mga police scalawags.

Sa ngayon nasa mahigit 60% na sa mga kapulisan sa buong bansa ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation.