-- Advertisements --

Tinawag ng Russia na isang desperadong hakbang ang pagbibigay ng US ng mga cluter munitions sa Ukraine.

Sinabi ni Russia’s Ambassador to Belarus Boris Gryzlov, na nagpapakita lamang na nabibigo na ang Ukraine sa ipinapatupad nilang depensa laban sa Russia.

Dagdag pa nito na kapag ito ay itinuloy ay nagpapakita lamang na ayaw ng US at mga kaalyadong bansa nito ng kapayapaan.

Ang cluster bombs ay isang uri ng mga maliit na lata na may laman ng ilang daang maliit na bomba o kilala din ng submunitions.

Mula pa noong lusubin ng Russia ang Ukraine ay kapwa sila gumagamit ng cluster bombs.
Gamit ng Ukraine ang cluster bombs na bigay ng Turkey.