Inirekominda ni Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong na bigyan incentives ang mga gumagamit ng bisikleta papasok sa kanilang trabaho.
Kabilang sa mga naisip ni Ong ay ang pagbibigay ng food vouchers sa mga empleyado na ang paraan na ginagamit para makapsok ay ang pagsakay ng bisikleta.
Pagkakataon na rin aniya ito ng pamahalaan para masolusyunan ang problema ng bansa sa polusyon at trapiko.
“Providing incentives for people who bike-to-work is small price to pay for its immeasurable benefits. This would translate to billions of economic opportunities and billions of savings on capital expenditures,” ani Ong.
“More importantly, we are investing for the future of the next generation and the future of our planet. Maybe, the corona virus was nature’s way of reminding us that we have to protect our environment,” dagdag pa nito.
Maari rin aniyang ipagpatuloy ang paggamit ng bisikleta sa araw-araw na pagbiyahe hindi lamang ngayong may pandemiya kundi maging sa oras na bumalik na sa normal ang lahat.
Mababatid na nitong Hunyo 11, 2020 ay inilunsad ni Ong ang #LibrengBisikleta program kung saan ilang dosenang bisikleta ang ipinamahagi sa mga security gaurds, utility workers, at manual laborers na napipilitang maglakas papasok sa kanilang trabaho dahil sa kakulangan pa rin sa public transportation.
Ayon kay Ong, mas marami pang Pilipino ang gagamit ng bisikleta bilang public transport kung mabibigyan ang mga ito ng pamahalaan ng ligtas na daanan para sa kanilang mga siklista.
Ang pagbibigay naman aniya ng insentibo sa “bike-for-work” ay naging matagumpay na sa Europa.
Sa Netherlands lamang aniya, binibigyan ng USD .22 o P11 ang sumasailalim sa “bike-for-work” sa kada kilometro na kanilang inilakbang.
Maging ang United Kingdom ay nagbibigay din aniya ng “mileage allowance” bukod pa sa lease-to-own options.