-- Advertisements --
image 300

Pinapatigil ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbebenta ng usung-uso ngayon na laruan na lato-lato dahil wala umano itong certificate of product notification mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Sa kasalukuyan kasi, wala pang iniisyu ang FDA na certification para sa nasabing laruan.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kumikilos na rin ang FDA para tanggalin na sa mga merkado ang nasabing produkto dahil wala itong certification at tumutulong na rin dito ang DTI.

Saad pa ng opisyal, wala ding kasiguarduhan na ang mga materyales na ginamit lsa paggawa ng produkto ay ligtas dahil nga wala pa itong CPN.

Kayat dapat na dumaan muna ang naturang produkto sa mas masusuning pagsusuri ng FDA.

Sa kasalukuyan, nagkalat ang nagbebenta ng lato-lato sa ilang pamilihan gaya ng Divisoria na pumapalo sa P40 hanggang P100 bawat isang lato-lato depende sa laki at kalidad.