-- Advertisements --

Tinapos na ng Meralco Bolts ang dalawang sunod na pagkatalo nila matapos na ilampaso nila ang Blackwater 103-85 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Limang manlalaro ang nagtala ng double digits na scoring na pinangunahan ni Chris Newsome na mayroon 19 points , pitong rebounds at tatlong steals sa laro na ginanap sa Ynares Center.

Nag-ambag naman ng 14 points ang rookie na si CJ Cancino para mas palawigin pa ang kalamangan nila habang mayroong 13 points, pitong rebounds si Chris Banchero at 12 points, limang rebounds naman si Raymar Jose.

Mayroon ng apat na panalo at limang talo ang Bolts habang ang Blackwater ay mayroong isang panalo at limang talo.

Nasayang naman ang nagawang 24 points ni Christian David at 23 points naman ni Sedrick Barefield para sa Bossing.