-- Advertisements --
Pinalawig pa ng TNT Tropang 5G ang kanilang panalo matapos na talunin ang Rain or Shine 111-103 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng TNT si RR Pogoy na nagtala ng 35points habang mayroong 28 points si Calvin Oftana sa laro na ginanap sa Ynares Center, Antipolo.
Sa first half ay hawak ng Elasto Painters ang kalamangan subalit pagpasok ng second half ay nakabangon ang TNT.
Kapwa mayroon apat na panalo at tatlong talo ang TNT at Rain or Shine.
Hindi naman umubra ang nagawang 20 points ni Andrei Caracut, 18 points naman para kay Gian Mamuyac at 17 points naman ni Jhonard Clarito para sa Painters.