-- Advertisements --

(Update) Patuloy na umaani nang pagbati ang Pinoy Olympian na si Carlos “Caloy” Yulo matapos na masungkit ang gold medal sa floor exercise sa katatapos lamang na 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar.

Nakatipon si Yulo ng 14.933 score sa kanyang performance, upang talunin ang mga atleta mula sa Korea na si Kim Hansol at si Yang Jiaxing mula naman sa China.

Sa ngayon si Yulo na ang kinikilalang Asian champion sa naturang event.

Dati na rin siyang world champion sa kanyang paboritong event.

Ang 22-anyos na si Yulo ay nakuha rin ang silver medal sa men’s individual all-around.

Kabilang naman sa maraming mga bumati kay Yulo ay ang Qatar Gymnastic Federation at ang Olympic Games federation.