-- Advertisements --
Bumuhos ng pagbati mula sa kapwa artista ang pag-amin nina Janella Salvador at Markus Paterson sa kanilang relasyon.
Sa kaniyang Instagram account, nagpost ang actress ng mga larawan na kasama si Markus.
Mayroong matamis na caption ang nasabing larawan na kinunan pa habang sila ay nagbakasyon sa Japan.
Ilan sa mga bumati sa dalawa ay si Maja Salvador, Sofia Andres, Enchong Dee at maraming iba pa.
Noon pang Oktubre 2019 umano na lumabas ang usapin ng relasyon ng dalawa subalit mas nais ng actress na mapanatiling pribado lamang ito.