Sarah and Matteo
Sarah and Matteo/ IG post

Bumuhos ng pagbati mula sa local celebrities matapos ang engagement nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Nitong Huwebes ng magpost si Matteo sa kaniyang Instagram account ng larawan nila ng nobya.

Makikita dito na tila sinasakal ng singer ang nobyo na kapansin-pansin ang diamond ring na nakasuot sa kaliwang ring finger nito.

Mula ng ma-upload ito ay kabi-kabilaang pagbati mula sa fans at mga kapwa artista ng dalawa.

Ayon sa kampo ng actor na naging pribado ang proposal na isinagawa nito.

Ilan sa mga nagpaabot ng pagbati sa dalawa ay sina Alex Gonzaga, Bea Alonzo, Luis Manzano, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Bianca Manalo, Martin Nievera at maraming iba pa.