-- Advertisements --
Mariing itinanggi ni Speaker Alan Peter Cayetano na nilapitan niya si Pangulong Rodrigo Duterte para hilingin na payagan siyang manatili bilang lider ng Kamara kapalit nang hindi nila pagbigay ng prangkisa sa ABS-CBN.
Iginiit ni Cayetano na walang pabuya mula kay Pangulong Duterte ang pagbasura nila sa franchise application ng Lopez-led broadcast company.
Ang tanging commitment lamang aniya niya sa Pangulo ay tiyaking patas ang pagdinig sa 25-year franchise ng media giant.
Hinahamon naman nito ang mga nag-aakusa sa kanya na sumailalim sa lie detector test.
Si Cayetano ay nakatakdang bumaba sa kanyang puwesto bilang Speaker para magbigay daan kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, na uupo bilang lider ng Kamara hanggang Hunyo 2022.