-- Advertisements --

Kailangan ngayon na tulungan ng pamahalaan ang mga maliliit na negosyo sa bansa para makapagbukas pa rin ang mga ito at makapag-survive pagkatapos ng COVID-19 crisis, ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda.

Sinabi ni Salceda, co-chairman ng House Economic Stimulus Cluster ng Defeat COVID-19 Committee, ang mga kompanya na may malakas na internal condition ay malaki ang tiyansang makabangon pagkatapos ng COVID-19 crisis, pero malabo aniya ito para naman sa mga small and medium enterprises (SMEs) at high-cost companies.

Kaya mahalaga aniyang kumilos ang pamahalaan para tulungan ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng murang pautang, credit mediation at refinancing.

Binigyan diin ni Salceda na mas mabigat ang epekto sa ekonomiya ng bansa sa oras na magsara ang mga SMEs kaysa kung gumastos ang pamahalaan para tulungan ang karamihan sa mga ito na makabangon pagkatapos ng krisis.

“The importance of preservation of firm capacity and size in the whole-of-economy perspective cannot be understated. Short-term contractions, such as the ones we expect to certainly take place because of Covid-19 result from a shortfall in demand. Long-term contractions take place when the aggregate supply contracts as a consequence. Demand is easy to induce, if at times hard to finance. Expanding supply, however, takes much more time and resources,” he said.

Nabatid na 99 percent ng mga negosyo sa Pilipinas ay napapabilang sa SMEs, kung saan tinatayang nasa 65 percent ng mga manggagawa sa bansa ay empleyado ng mga ito.

Nauna nang sinabi ni House Committee on Economic Affairs and AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin na dapat tulungan ng Kongreso ang mga negosyo na makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan nang pagpasa ng isang stimulus package.