Mas marami pa ang kailangan at dapat gawin upang sa gayon magtuloy-tuloy ang economic growth ng Pilipinas kahit pa makabalik na ang bansa sa prepandemic form nito ngayong quarter, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Sinabi ni Socioecoomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon ay nakikita nilang makakabalik sa prepandemic level angekonomiya ng bansa.
Pero nangangahulugan lamang ito na dalawang taon ding behind ang growth potential ng bansa kaya napakarami pa ang kailangan gawin upang sa gayon matiyak na magtutuloy-tuloy ang paglago na ito.
Sinabi ni Chua na para magawa ito kailangan na matiyak na masusunod ang 10-point policy ng national government para sa economic recovery.
Dapat dina aniya na maisama ang apat na key areas sa susunod na Philippine Development Plan: ang smart infrastructure; regional equity; pagsusulong nang innovation act; at climate change/
Ang NEDA ay naghahanda na aniya nang “analytical foundations” para sa inclussions ng mga areas na ito as magiging susunod na PDP, na ibibigay naman sa susunod na administrasyon.