-- Advertisements --

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na prayoridad ng pamahalaan sa pagbabakuna kontra COVID-19 ang mga mahihirap.

Ito aniya ang “sacred duty” ng pamahalaan, lalo pa at kung magkasakit ang mga mahihirap ay walang pambili ang mga ito nang kanilang gamot.

Sa ngayon, mayroon nang 7.1 million doses ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas.

Mahigit 3 million Pilipino na ang nabakunahan kontra COVID-19, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Nabatid na base sa priority list ng pamahalaan, ang mga mahihirap at low income families ay ika-lima sa listahan kasunod ng mga health workers, matatanda, may comorbidities at economic frontliners.