Nagbabala ang Department of Science and Technology-Pag-asa sa posibleng mga pagbaha sa paligid ng Angat river, dahil sa pag-apaw ng tubig mula sa Ipo dam.
Batay kasi sa datus, kaninang 10am ay naitala na ang 101.13meters sa Ipo dam at patuloy pa rin ito sa pag-taas.
Una na ring nagbukas ang pamunuan ng dam, ng isang spillway gate kaninang 3pm. ang naturang gate ay nakakapaglabas ng kabuuang 61cu.m/s
Inaasahang magpapatuloy ang ganitong sitwaston, hanggat hindi titigil ang mga pag-ulan na nagiging dahilan ng pag-apaw ng tubig.
Kabilang naman sa mga lugar na maaaring maapektuhan dito ay ang mga malapit sa angat river na kinabibilangan ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy sa probinsya ng Bulacan.