Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nararanasan ang patuloy pang pagbagal ng nararanasang inflation rate sa bansa.
Ito ay matapos na maobserbahan ang pagpapatuloy ng downtrend ng inflation sa Pilipinas sa ikalimang sunod na buwan ngayong Hunyo.
Batay kasi sa pinakahulin projection ng BSP sa kanilang month-head forecast ay lumalabas na maaaring mag-settle sa range na 5.3% hanggang 6.1% ang inflation ng bansa kung saan ang lower eng ng projection range ay mas mababa sa 6.1% inflation print na naobserbahan noong Mayo, habang ang upper end naman nito ay kapareho lamang ng naitalang rate noong nakalipas na buwan.
Ayon pa sa BSP, maaari ring mag-ambag sa pagbaba ng price pressures ngayong buwan ang pagbaba ng mga presyo ng karne at prutas, pati na rin ang rollback sa mga presyo ng liquefied petroleum gas.
Samantala, sinabi ng BSP na ang mas mataas na presyo ng mga pangunahing pagkain tulad ng bigas, gulay, at isda, kasabay ng pagtaas ng presyo ng domestic oil at singil sa kuryente gayundin ang pagbaba ng halaga ng piso ang pangunahing pinagmumulan naman ng pagtaas ng presyo ngayong Hunyo.
Ngunit sinabi naman ng bangko sentral na sa kabila nito ay patuloy nitong sinusubaybayan ang mga developments na nakakaapekto sa inflation at paglago alinsunod sa data-dependent approach sa monetary policy formulation.
Ang official inflation figures para sa Hunyo ay nakatakda namang ianunsyo ng Philippine Statistics Authority sa Hulyo 5