Posibleng mabawasan ang alokasyon sa supply ng tubig sa mga consumer sa Metro Manila.
Ito ay dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng level ng tubig sa Angat Dam dahil sa nararanasang tag-init sa bansa.
Ayon sa National Water Resources Board, ipatutupad ito sakaling magpatuloy ang kakulangan ng pag-ulan sa Angat watershed.
Tinututukan rin aniya ng kanilang ahensya ang naturang Dam dahil malapit na itong sumagad sa 200 meter water elevation.
Bagsak na rin aniya ito mula sa 212 meters na normal high water elevation.
Sinabi ng ahensya na sa mga sandaling ito ay nananatiling 50 cubic meters ang alokasyon ng tubig ng Angat Dam sa buong Metro Manila at ito ay hanggang Abril a kinse na lamang.
Plano naman nila itong ibaba sa 48 cubic meters water allocation sa Abril 16.