-- Advertisements --
Nilinaw na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang pagbabawal sa mga tricycles na dumaan sa national highways ay wala sa kanilang polisiya at sa halip sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagkuwestiyon ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa pagbabawal sa nasabing mga sasakyan dahi sa hindi hurisdiksyon ng DILG ito.
Dagdag pa ng DILG na kanilang pinupuri si Salceda dahil sa pagkaawa nito sa nasabing mga sasakyan.
Giit pa ng DILG na noon pa man ay mayroon ng LTO Memorandum Circular 94-1994 na pagbabawal sa nasabing mga sasakyan na dumaan sa highways na inilabas noon pang Mayo 2, 1994.