Tumaas ang naitalang bilang ng mga pagbabanta laban sa mga judges na nagbawal kay dating US President Donald Trump na tumakbong pangulo sa Colorado.
Sa loob lamang ng 24 na oras mula ng ilabas ng Colorado Supreme Court ang desisyon ay dumami ang mga naitalang banta.
Sa iba’t-ibang internet websites ay ipinost ng mga supporters ng dating pangulo ang mga emails, phone numbers, office buildings address ng mga huwis na naglabas ng desisyon.
May ilan na nananawagan ng kilos protesta at pagpapatalsik sa mga judges.
Ang nasabing mga pagbabanta sa mga judges ay hindi na bago sa mga supporters ni Trump.
Dahil noong nakaraang taon ng magsagawa ng raid ang FBI sa bahay ni Trump sa Mar-a-Lago ay may mga naitalang pag-atake sa mga otoridad.
Noong sampahan ng grand jury sa Georgia si Trump dahil sa election interference ay nagpost ang mga supporters nito ng addresses ng mga jury.
Maituturing kasi na paboring manalo ng mga Republican nominee ang si Trump na magwagi sa presidential elections sa susunod taon laban kay President Joe Biden.