-- Advertisements --
barbers

Nakatakda na raw reviewhin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang operasyon ng mga barbershops at salons dito sa bansa.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, pinag-aaralan na nila kung puwede nang magbukas ang mga salon at barbershop sa mga lugar na nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ).

Magsasagawa raw ng demo ang pamahalaan para matulungang madetermina kung papayagan na ang mga ito na magbukas sa GCQ areas.

Maliban dito, pinag-aaralan din nila kung puwe na ang dine in sa mga restaurants mula sa sa kasalukuyang setup na take out lang ang pinapayagan.