Inirekomenda na rin ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang pagbabakuna ng ikalawang booster dose para sa mga A1 priority group o healthcare workers at A2 priority group o senior citizens.
Subalit ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang chief of the National Vaccination Operations Center (NVOC) na binigay na nila ang rekomendasyon noon pang nakalipas na biyernes subalit mayroon pa aniyang isang requirement na kailangan ito ang WHO written requirements na hinsi pa natatanggap sa ngayon.
Ayon kay Cabotaje, inaasikaso na ang naturang requirements upang mailatag na rin ang guidelines para sa pagbabakuna ng mga healthcare workers at senior citizens ng ikalawang booster shot.
Nauna ng sinimula ang pagrolyo ng ikalawang booster dose para sa mga immunocompromised persons at sa kasalukuyang datos mayroon ng 30,912 na kabilang sa naturang vulnerable sector ang nabakunahan.
Karamihan o nasa 12,000 ay mula sa Metro Manila, 6000 mula sa Calabarzon habang sa Central Luzon at Davao region ay mayroon ng tig-3000 immunocompromised ang nabakunahan at 2000 naman ang mula sa Ilocos region.
Samantala, para naman sa primary series vacciantion umaabot nasa 68 million Pilipino o katumbas ng 76.29% ng eligible na 90 million populasyon ng bansa ang fully vaccinated laban sa COVID19 habang nasa 13.6 million Pilipino na ang nakatanggap ng booster shots ayon sa DOH.