Maaaring maramdaman din ng mga Pilipino ang epekto ng pagtaas ng presyo ng asukal sa pandaigdigang merkado.
Batay kasi sa prediksyon ng ilang mga international think tank, maaaring tataas ang presyo ng asukal sa ibat ibang bahagi ng mundo, dahil sa El Nino phenomenon.
Katwiran ng mga firm, ang El Nino phenomenon ay maaaring magdulot ng mababang produksyon ng asukal sa malaking bahagi ng Asiya, kasama na ang Thailand.
Ang Thailand naman ang pangunahing pinagbibilhan ng Pilipinas ng mga produktong asukal.
Kahit pa hindi regular na umaangkat ang Pilipinas ng asukal at bumibili lamang ito kung kinakailangan, maaaring maramdaman pa rin ng Pilipinas ang impact nito, dahil sa bultuhan naman kung bumili ang bansa.
Nauna na rito ang pagtaas ng presyo ng asukal simula pa noong 2019.