-- Advertisements --
image 510

Patuloy pa rin na tumataas ang panganib na dala ng mga lamok katulad nalamang ng dungue at Zika.

Ayon kay Dr. Althea de Guzman, director ng Department of Health-Epidemiology Bureau, dahil sa climate change, tumataas ang temperatura, humahaba ang dry spells natin at indirectly natutuloy aniya ito sa mas maraming breeding sites.

Rason kung bakit tumataas daw ang kaso ng tinatawag na vector o mosquito-borne disease.

Matatandaan na noong Pebrero 2016, idineklara ng World Health Organization ang microcephaly na may kaugnayan sa Zika bilang isang public health emergency of international concern.

Ang Microcephaly ay isang birth defect kung saan ang ulo ng isang sanggol ay mas maliit kaysa sa inaasahan at kung ikukumpara sa mga sanggol na kapareho ng kasarian nito at edad, ayon yan sa Centers for Disease Control and Prevention.

Ang datos mula sa Department Of Health Epidemiology Bureau ay nagpakita na mayroong 78 kaso ng Zika sa Pilipinas mula noong 2015. Sa naturang bilang, 31 ang naiulat na nasa National Capital Region.

Samantala, pinaalalahanan naman ng naturang ahensya ang publiko na panatilihing malinis ang kanilang paligid upang mabawasan ang posibleng tirahan ng mga lamok.