Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang uri ng milagro ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kaniyang “Talk to the People” nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na maituturing na isang milagro ang nangyayari sa bansa dahil sa maraming bansa ang dumaranas ng epekto ng Omicron variant ng COVID-19.
Dagdag pa nito, nakikita niya ang pagkakaroon ng bansa ng masayang kapaskuhan dahil sa tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Umaasa ito na hindi na umabot pa sa bansa ang Omicron kaya labis ang kaniyang pagdarasal na hindi na ito dumating pa sa bansa.
Nadagdagan naman ang kumpiyansa ng pangulo na maaring ipagdiwang ng masaya ang kapaskuhan sa ginawa ring assessment ng paring scientist na si Fr. Nicanor Austriaco na nag-report sa sitwasyon ng COVID cases at sa kanyang pagsasaliksik sa nagbabantang Omicron virus.