-- Advertisements --
Maguindanao
Maguindanao

CENTRAL MINDANAO- Nabawi ng militar ang pagawaan ng bomba at armas ng mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng 601st Brigade na nakubkob ng mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion Phillipine Army ang lugar kung saan nag-iimbak ng mga armas at pampasabog ang mga teroristang Dawlah Islamiyah Terror Group ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Kuloy Shariff Aguak Maguindanao.

Narekober ng mga sundalo ang 20 Improvised Explosive Device (IEDs) 5 assault rifles,grenade launcher,B-40 Anti-Tank Rocket,81 mm mortar projectile tile ,mga sangkap sa paggawa ng bomba at mga bala ng ibat-ibang klase ng armas.

Ang Brgy Kuloy ay sakop ng SPMS Box na ginawang taguan ng BIFF at mga kaalyado nitong mga dayuhan na terorista.

Pinuri naman ng 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Diosdado Carreon ang tropa ng 33rd IB sa matagumpay nitong operasyon.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng Joint Task Force Central ang pagtugis sa BIFF sa Maguindanao.