-- Advertisements --

Nagpairal na ng tropical cyclone wind signal number one (1) ang Pagasa sa ilang bahagi ng Northen Luzon dahil sa super typhoon Henry.

Ayon sa weather bureau, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 400 km sa silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 230 kph.

Kumikilos ang sama ng panahon nang pa-timog, timog kanluran sa bilis na 15 kph.

Dahil dito, nagbabala ang Pagasa sa mga residente ng mga lugar na nasa signal number one para pag-ibayuhin pa ang pag-iingat at pagiging alerto.