-- Advertisements --
image 157

Iniulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maaaring mag-rehistro ng maraming SIM card ang isang user sa ilalim ng iisang pangalan.

Ginawa ni DICT Secretary John Ivan Uy ang pahaya makarang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang SIM card registration law.

Ayon sa kalihim, hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng mutiple SIM card ang isang indibidwal, lalo’t mayroong mga lugar na mahina o walang signal ang isang telco company.

Dagdag pa nito na wala namang nakasaad sa batas na bawal magkaroon ng maraming SIM card ang isang indibidwal, basta’t i-rehistro lamang sa kaniyang pangalan ang lahat ng ito.

Sa kasalukuyan, isinasapinal na lamang ng National Telecommunications Company (NTC), sa pakikipaguganayan mga telco companies, ang mga hakbang para SIM card registration ng mga SIM card user.

Isang paraan na nakikita niya para sa pagri-rehistro ng mga SIM card, ay ang pag-notify ng mga telco providers sa mga SIM users na mag-log in sa isang website kung saan ilalagay ng mga ito ang kanilang detalye, maging ang identification card na kanilang ia-upload.