-- Advertisements --

NAGA CITY-Naging generally peaceful ang pag-obserba ng Semana Santa sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur, ang isa sa mga lugar sa probinsiya na dinarayo ng halos nasa milyong deboto na mula pa sa iba’t ibang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Geraldine Dollero, may ari ng Amang Hinulid sa Calabanga, Camarines Sur, sinabi nito na ngayong taong 2024, bumuhos ang libo-libong mga deboto sa isinagawang prusisyon noong nakaraang Biyernes Santo sa kanilang bayan partikular sa barangay Sta. Salud kun saan matatagpuan ang 200 taon ng dinarayong Imahe ng Amang Hinulid.

Kaugnay nito, nagin mahigpit naman ang naging pagbabantay ng mga kapulisan katulong ang BFP, barangay tanod at iba pang katuwang na ahensiya sa bawat dinaanan ng prusisyon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Ang mga motorist assistance center/ desk ng mga kapulisan ay nananatiling nakapwesto pa rin hanggang ngayong araw at mahigpit pa rin ang kanilang pagbabantay sa mga dumaraang sasakyan.

Samantala, Wala naman umanong naitalang kaguluhan sa kasagsagan ng prusisyon at nakiisa naman ang bawat mga deboto sa inilatag na mga panuntunan ng simbahan at lokal na pamahalaan ng Calabanga.

Sa ibang banda, nakapagtala naman ng ilang aksidente sa kalsada sa kasagsagan ng pag-obserba sa Holy Week na kung saan ang mga sangkot ay halos motorsiklo at iba pang uri ng sasakyan, katulad na lang sa nangyaring banggan ng isang motorsiklo at delivery truck sa Zone 1 San Felipe, Naga City.

Sa ngayon, ipinagpasalamat naman ni Dollero na ngayong taong 2024 nagin matagumpay ang pag-obserba sa Mahal na Araw at kanilang nasaksihan ang hindi matatawarang debosyon ng maraming tawo sa Imahe ni Amang Hinulid sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur.