-- Advertisements --
Inanunsyo ng mga eksperto na ganap nang nagtapos ang habagat season o pag-iral ng southwest monsoon sa Pilipinas.
Ito ang pag-ihip ng hangin mula sa West Philippine Sea na pumapasok sa kanlurang bahagi ng ating bansa na kadalasang nagdudulot ng malakas at tuloy-tuloy na mga pag-ulan, kahit wala namang bagyo.
Sa mga nakalipas na pagkakataon, naging mapaminsala ang labis na ulang dala ng habagat sa Metro Manila, Central Luzon, Western Visayas at Mindanao.
Dahil sa paghupa ng southwest monsoon, sinabi ng department of Science and Technology (DOST) na nalalapit na ang pagsisimula ng hanging amihan.
Ito naman ang tinatawag na northeast monson na naghahatid ng malamig na hangin mula sa Siberia at China hanggang sa buwan ng Pebrero.