-- Advertisements --
COMELEC VOTING

Nakumpleto na ng Commission on Elections ang pag-imprenta sa mga kargdagan pang mga balota para sa BSKE 2023.

Ayon kay Comelec Commissioner Rey Dulay, ang komisyuner na in-charge sa pag-imprenta ng mga balota, ang mga naturang balota ay gagamitin para sa mga bagong botante na nakapag-rehistro mula Dcember 2022 hanggang December 2023.

Maliban dito, bahagi rin ng mga naimprentang additional ballots ay para sa mga lugar na unang nagsagawa ng Plebicite, katulad ng Carmona at Baliwag, kasama na ang sampung bagong brgy ng Taguig na inilipat mula sa makati.

Bahagi rin nito ay mga balotang gagamitin para sa mga dalawang Mindanao Provinces: Maguindanao del Norte and Maguindanao del Sur.

Ayon sa Elections official, natapos na nilang maimprenta ang humigit-kumulang 92million na official ballots noon pang Marso,2023.

Sa nasabing bilang, 61,839,776 ay para sa Brgy elections habang 23,245,313 ballots ay para sa Sangguniang kabataan Elections.

Ngayong halalan, pupunan ang hanggang 42,027 na posisyon ng mga punong barangay at 294,189 Sangguniang Barangay members(Kagawad).

Para naman sa SK, 42,027 ang pupunan para sa mga chairmen at 294,189 na SK members.