Mas maaga ng 23 araw ang target ng Commission on Elections (Comelec) para tapusin ang pag-imprenta ng balotang gagamitin sa May 9 elections.
Ayon sa Comelec, ngayong araw lang kasi nang natapos na ng National Printing Office (NPO) ang mahigit 67.4 million na mga balota.
Nasa 67,442,616, ang kabuuang bilang ng mga balotang naimprenta para sa national at local elections.
Gayunman, ang ilan sa mga naimprentang balota ay dadaan pa sa tinatawag na verification process.Nagsimula ang printing ng balota noong Enero 23.
Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo Philippines sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na nasusunod pa rin naman ang timeline ng komisyon sa paghahanda sa halalan.
Sa katunayan ay mas advance pa raw sila sa ilang mga nakatakdang schedules.
Kaninang madaling araw ay sinimuhan na rin ng Comelec ang pagbiyahe ss mga Automated Election System (AES) supplies.
Hatinggabi nang magsimula nang ibiyahe ang mga vote counting machines (VCM), consolidated canvassing system (CCS), laptops at transmission devices mula sa kabilang warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, noong Pebrero pa nang simulan ng komisyon na ibiyahe ang ilang election-related equipments, peripherals, forms at supplies.
Unang ibiniyahe ang mga VCM external batteries, non-accountable forms at supplies.