-- Advertisements --
IMG 20200117 134520

Agad kinontra ng alkalde ng bayan ng Taal sa Batangas ang panukalang imbestigasyon ng Kamara sa Phivolcs dahil umano sa naging pagkukulang nila sa pagbibigay ng mas maaga at advance warning sa pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon kay Faulhencio Mercado, wala umanong naging pagkukulang ang Phivolcs sa pag-abiso sa mga local government units (LGUs) kaugnay pa rin sa pag-aalburuto ng Taal volcano.

Dagdag niya, ilang buwan bago pumutok ang bulkan ay mayroon nang inilabas na abiso ang Phivolcs kayat hindi dapat pang imbestigahan ang sinasabing pagkukulang ng Phivolcs.

Posibel rin umanong maapektuhan lamang ang mandato ng Phivolcs na patuloy na monitoring sa bulkan kapag ipapatawag sa imbestigasyon ang mga opisyal nito.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy pa rin ang panawagan ni Mayor Mercado sa mga residente sa Taal na lisanin na ang kanilang mga bahay at pumunta sa mga evacuation center bago pa mahuli ang lahat.