Nakahanda na ang calamity loan para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund na naapektuhan ng Southern Mindanao earthquake at Eastern Visayas floods kamakailan.
Kabilang sa mga maaaring maka-avail dito ay yaong mga miyebro ng Pag-IBIG na nakabase sa Saranggani, Davao Occidental, Glan, Sarangani Province, General Santos City, at iba pang kalapit na munisipalidad para na naapektuhan ng Mag6.8 na lindol.
Kasama rin dito ang mga residente ng Eastern Samar, Northern Samar at ilang mga bayan sa Eastern Visayas na una nang naapektuhan ng mga malalakas na pag-ulan at mga pagbaha.
Maaari namang mag-apply ang mga miyembro sa naturang programa, siyamnapung araw mula sa deklarasyon ng state of calamity sa naturang lugar,=.
Para sa dalawang nabanggit na kalamidad, mayroong P2.4billion na inilaan dito ang pamahalaan.
Inaasahang aabot sa 149,607 na miyembro nito ang makikinabang sa panibagong assistance program sa mga apektado ng dalawang malalakas na kalamidad.