-- Advertisements --

Labis ang nagpapasalamat si Atty. Rico Quicho sa Department of Health (DoH) matapos nilang iendorso sa PNP at National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso laban kay Sen. Koko Pimentel dahil sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Una rito, binatikos ng abogado ang nilalaman ng counter afffidavit ni Pimentel sa reklamo dahil naka-focus umano ang kanyang kontra salaysay sa mga irrelevant at malisyosong claims para malusutan ang kanyang paglabag.

Dahil dito, hiniling ni Quicho na resolbahin na ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation sa kaso at umaasa itong mananaig pa rinang rule of law.

Una rito, kinumpirma ni DoH Usec. at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, sa kanyang virtual press briefing na nagsumite na ang DoH ng endorsement sa reklamo at naipasa na ito sa PNP at NBI.

Nag-ugat ang reklamo dahil umano sa pagiging pabaya si Sen. Pimentel nang nagtungo ito sa Makati Medical Center sa panahong siya pala ay positibo sa covid dahilan para malagay sa peligro ang publiko lalo na ang mga health workers ng naturang ospital na umasikaso sa kanilang mag-asawa.