Pangunahing concern umano ng Malacanang ang paglalaan ng angkop na pondo para sa bawat proyekto at ahensya ng gobyerno, kaya hindi papayagang magkaroon ng reenacted budget.
Ito ang paliwanag ng palasyo, kasunod ng pag-certify ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa P5.628 trillion budget para sa susunod na taon bilang urgent.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, mahalagang madaliin ang at tiyakin ang pagpasa ng kaukulangang pondo, para maisakatuparan ang mga programa ng pamahalaan.
Pero una nang sinabi ng liderato ng Senado na kahit walang urgent certification ang Malacanang ay tiyak naman nilang ipapasa ito sa tamang oras, dahil mahalaga rin para sa kanila ang budget bill.
Sa ngayon, wala pang naitatakdang araw para sa Legislative – Executive Development Advisory Council (LEDAC) para pag-usapan ang iba pang panukalang batas na nais maisakatuparan ng Marcos administration.