Nag-alala ang mga kabataan sa nalalapit na social media ban sa Australia na magsisimula Disyembre 10, kung saan magde-deactivate ang higit isang milyong account ng mga menor de edad sa iba’t ibang pangunahing social media platforms .
Layunin ng gobyerno na maprotektahan ang mental wellbeing ng mga kabataan, ngunit natatakot ang ilan na mas makakasama ito kaysa sa makakatulong.
Ayon sa mga kabataan sa bansa mahalaga ang social media bilang safe space at paraan para makahanap ng komunidad, lalo na sa LGBTQIA+. Sinabi rin nila na ang social media ay kanila nang naging “lifeline” upang labanan ang bullying at homophobia.
Batay sa 2025 Headspace National Youth Mental Health Survey, 37% ng kabataan ang nag-aalala sa isolation, habang 35% ang natatakot maiwan sa social trends.
Ayon naman kay Nicola Palfrey ng Headspace na kailangan pa rin ng alternatibong paraan para makakonekta ang mga kabataan offline.
Nangangamba rin sila sa oras ng implementasyon, na kasabay ng anim na linggong summer break, kung kailan mas kaunti ang interaksyon ng mga kabataan sa kanilang mga kaibigan.
Bagamat may ilang kabataan na makaka-adjust sa pagbabago, marami parin daw ang posibleng maapektuhan ang mental health dahil sa limitadong paggamit laban sa pag-ban ng social media sa bansa.










