-- Advertisements --

Hindi dapat ipagkibit-balikat lamang ng mga opisyal ng pamahalaan na may mandatong protektahan ang sektor ng agrikultura sa bansa ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa negatibong epekto ng Rice Tariffication Law (RTL).

Malinaw na patunay ayon kay Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat, na bigo ang RTL sa layunin nito ang naging pahayag ni Pangulong Duterte na dapat mabigyan ng compensation ang mga magsasaka sa kanilang lugi dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay.

“Our agencies better fulfill their mandate when they see the situation as an urgent crisis to be solved,” ani Cabatbat.

Para maipakita aniya ang suporta sa naging pahayag ng Pangulo, inirekomenda ni Cabatbat na pag-aralan ang posibilidad na magkaroon na ng moratorium sa rice imports.

Ang pagbalewala sa kasalukuyang sitwasyon aniya ay maituturing na “conscious and continuous oppression” sa farming sector.