Tinitingnan ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad na mag-angkat ng baboy sa ikaapat na quarter ng 2023, dahil nakikita nila ang 10-araw na deficit o kakapusan sa suplay dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Kailangan anoya itopara matiyak na abot-kaya zspa rin ang karne ng baboy. Pag pumasok na aniya ang imported, hindi na magkakaroon ng problema sa stock.
Tinitingnan din ng DA kung kakailanganing magpataw ng SRP.
Kung matatandaan, nagkaroon na bagong kaso ng ASF na naitala sa bansa, kabilang ang unang kaso sa Oriental Mindoro. Batay sa pinakahuling datos ng Bureau of Animal Industry, hindi bababa sa 19 na probinsya sa 10 rehiyon ang may positibong kaso ng ASF.
Sa ngayon, walang bakuna na available sa komersyo para sa ASF sa bansa.