-- Advertisements --
IMG 20200601 171046

Nilinaw ngayon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Edurdo Año na bawal pa rin ang pag-angkas sa mga motorsiklo kahit nasa ilalim na ng general community quaratine (GCQ) ang Metro Manila.

Malinaw umano sa guidelines na sa ilalim ng GCQ ay bawal ang angkas.

Sinabi ni Año na delikado pa rin ang angkas kahit sa mag-asawang papasok sa trabaho dahil posibleng kapag nahawaan ang isa sa kanila ay mahawaan din ang isa.

Kapag nais naman daw ng mag-asawa at nagpalagay sila ng sidecar sa kanilang motorsiklo para puwede silang magkasabay.

Kasabay nito, humingi si Año sa mga commuters ng pang-unawa ngayong nasa ilalim na tayo sa tinatawag na new normal.

Kailangan din umanong mag-ingat ang taong bayan para hindi bumalik sa enhanced community quaratine (ECQ) ang maraming lugar sa bansa.