-- Advertisements --

Pasado na sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ang panukalang batas na mag-aamyenda sa kahulugan ng illegal recruitment by syndicate.

Mayroong 260 na mambabatas ang bumoto para sa pagpabor at pagpapatibay ng House Bill 7718 na nag-aamyenda na mula sa daitng tatlong indibidwal ay ibinaba na lamang ito sa dalawang indibidwal na non-license o non-holders ng appropriate authority.

Sa nasabing bagong panukalang batas magiging batayan na matawag na iligal recruitment by syndicate kapag dalawa sa indibidwal.

Ang mga masasangkot sa iligal recruitment ay may parusa ng habambuhay na pagkakakulong at pagbabayaran ng multa ng nasa P2 milyon hanggang P5-M.