-- Advertisements --

Nangako ang Department of Transportation (DOTr) na tuloy-tuloy ang kanilang ipatutupad na programa at hakbang, upang maalalayan ang mga mag-aaral sa pagbabalik sa face to face classes para sa SY 2022-2023.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na kailangang matiyak ang pagpapa-abot ng tamang impormasyon sa mga estudyante, kaugnay sa availability ng mga sasakyan.

Makikipagtulungan rin aniya sila sa isang grupo na nagsasagawa ng pag-aaral para sa fleet rationalization.

Sinabi ng kalihim na makikipagtulungan rin sila sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, tulad ng MMDA, DILG, CHED, at DepEd, upang mapag-usapan ang lahat ng posibleng gawin ng bawat tanggapang ito ng pamahalaan, bilang paghahanda sa face to face classes ng mga mag-aaral