Binatikos ng ilang kongresista ang pagbawi sa provisional franchise bill ng ABS-CBN, matapos na magdesisyon ang karamihan sa mga miyembro ng Kamara na dinggin na lamang ang 25-year franchise ng media giant.
Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na ang pag-abandona sa provisional franchise bill ay makakaapekto ng husto sa kompanya at mga empleyado nito.
“This abandonment underscores the failure of leadership in the House after no less than Speaker Alan Peter Cayetano principally authored and passionately sponsored the ill-fated interim franchise whose approval was recommended by the ‘Committee of the Whole,’ which is rarely constituted,” ani Lagman sa isang statement.
Maituturing na raw kasi sana bilang magandang kompromiso ang provisional franchise para mabalik sa operasyon ang ABS-CBN habang dinidinig ng Kongreso ang 25-year franchise nito.
“There is no overriding reason to abandon HB No. 6732 except for a furtive and sinister outside interference in the discharge of the constitutional duty of the House,” ani Lagman.
Hinimok naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang mga kapwa niya kongresista na kaagad upuan ang franchise renewal application ng ABS-CBN sa lalong madaling panahon.
“The House would be doing a disservice to the Filipino people if it will continue to sit on the network’s franchise, as millions of Filipinos in far-flung areas are deprived of vital news and information amid the pandemic,” dagdag pa in Brosas.
Maging si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ay nagsabi rin na hindi na dapat pang upuan ng Kamara ang usapin na ito.
Noong nakaraang linggo ay naghain silang nasa Makabayan bloc ng panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN, subalit boboto raw sana siyang pabor sa provisional franchise para sa pansamantalang pagbabalik operasyon ng kompanya.
Mababatid na noong nakaraang linggo ay inaprubahan na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang provisional franchise ng Lopez-led broadcast company subalit nitong Lunes lang ay ibinalik sa period of interpellation and amendments bago tuluyang binawi ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Cayetano, tututukan na lamang ng Kamara ang 25-year franchise ng ABS-CBN sa halip na talakayin pa ang provisional franchise