Aprubado na ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) ang gagawing pag-aaral ng mga eksperto sa accuracy o pagiging tiyak ng resultang inilalabas ng rapid antibody tests sa COVID-19.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Sec. Fortunato dela Pena pangungunahan ni Dr. Leonila Dans ng University of the Philippines – Manila ang pangangalap ng impormasyon mula sa samples ng ilang Pilipinong suspected sa sakit.
“Ang analysis na ito will give information on how well rapid antibody test perform during acute phase — less than or equal to 14 days; and during the convalescent stage — more than 14 days phase of the disease.”
May P19-milyong inisyal na pondo na inilaan para sa pagsisimula ng proyektong tatagal ng siyam na buwan.
“But the project leader assured us that they can come up with significant results withing three months.”
Ayon sa Department of Health (DOH), bagamat kinikilala nila ang papel ng rapid antibody tests sa pagtukoy ng COVID-19 cases ay dapat pa ring mag-ingat dahil mas madalas na “false positive” at “false negative” ang nilalabas nitong resulta.
Inirerekomenda pa rin ng ahensya, sa ilalim ng basbas ng World Health Organization ang RT-PCR test bilang gold standard na testing para malaman kung ang indibidwal ay positibo o hindi sa COVID-19.