-- Advertisements --

Nagsagawa ang Philippine Air Force (PAF) ng routine air patrol sa Batanes sa gitna ng napaulat na plano para magsagawa ng mga aktibidad sa lugar para sa taunang war games sa pagitan ng PH at US.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nagpatrolya ang transport aircraft C-295 ng PAF sa strategic areas kabilang na sa mga bayan ng Itbayat, Sabtang in Batanes at Babuyan Islands na isinagawa noong Sabado.

Target din na gawing isa sa posibleng venues ng balikatan exercise ngayong taon ang military detachments sa uninhabited Mavulis island at bayan ng Basco sa probinsiya ng Batanes.

Ang mga lugar na ito ay bahagi ng northernmost isands ng bansa at pinakamalapit sa Taiwan, isang self-ruled island na itinuturing ng China na bahagi ng kanilang teritoryo.

Ipinag-utos din ni Defense Sec. Gilero Teodoro Jr. ang pagtatayo ng karagdagang struktura at ipinag-utos sa militar para taasan ang presensiya sa Batanes. (With reports from Bombo Everly Rico)