-- Advertisements --

airdefense1

Pormal ng pinasinayaan at tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang kauna-unahang missile system training center na tinawag na Spyder Philippines Air Defense System (SPADS) Simulator – Training Center.

Isinagawa ang simple Acceptance, Turn-over at Blessing Ceremony sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga kahapon April 26, 2022.

Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagsilbing Guest of Honor.

Dumalo din sa nasabing event si PAF Commanding General, Lt.Gen. Connor Anthony Canlas Sr.; Israel Ambassador to the Philippines, His Excellency Ilan Fluss; Executive Vice President, Rafael Advanced Defense System, Brigadier General (Res) Pinhas Yungman; at Commander, Air Defense Command, MGen. Augustine Malinit.

Sa nasabing aktibidad personal na sinaksihan ni Secretary Lorenzana kasama ang mga PAF Senior Leaders ang isinagawang missile engagement simulation at ang training capabilities na mayruon ang nasabing center at maging ang mga attendant facilities.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano ang nasabing training center ay bahagi ng GBADS Acquisition Project ng PAF na naglalayon para palakasin pa ang kanilang defense capabilities.

Ang SPADS Simulator – Training Center ang kauna unahang missile training center ng AFP.

Magsisilbi itong training ground para duon sa mga future missile operators na maghanda para sa real-world challenges at madagdagan ang kaalaman ng mga personnel sa paggamit ng missile at magkaroon right attitude for air and missile defense.

Samantala, ayon naman kay Lorenzana ang pagbili ng mga mga capital assets na makakatulong sa pag depensa sa ating bansa ay malaking bagay at siya ring prayoridad ng Department of National Defense (DND).

“As your defense chief for nearly six years, my happiest and proudest moments were the attainment of milestones in the Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program,” pahayag ni Sec. Lorenzana.

Layon ng simulator training center na mag developed ng ibat ibang capabilities gaya ng mga sumusunod: Detection through radar, command and control, and missile firing at isa itong custom-made para sa PAF na siyang gagamitin sa kanilang pagsasanay sa advanced air defense techniques.

Dagdag pa ni Lorenzana, ” May this new simulator training center inspire you to look into the Command’s bright future, utilize its capabilities to ensure the success of your missions.”