-- Advertisements --

Lumakas pa ang bagyong Paeng na ngayon ay nasa tropical storm category na.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 540 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

May taglay itong 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Signal No. 1:

Catanduanes, eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu) at eastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Bulusan, Santa Magdalena, Irosin, Juban, Casiguran, City of Sorsogon), pati na sa Eastern Samar, Northern Samar at Samar.